Thursday, March 04, 2010

6 messages received

Naiwan ko yung telepono ko sa bahay ngayon. Di ko naman sinasadya. Nagmamadali kasi ako. Pero. Ang saya nang walang inaatupag na telepono. Parang, ah, kalayaan! Haha.

Mag-isa akong nag-jogging kanina. Dapat kasi kasama ko si Seph, e patalo. Haha. Okay lang. Nakita ko si Kalaw at si Desa sa may Quezon Hall at sinabayan ko sila hanggang sa may Engg. Tas tuluy-tuloy ko na.

Iba rin 'pag mag-isa ka :) 'Pag sinabi mo sa sarili mong magdudugo na ata ilong ko, walang nagpapanic. Kasi sanay ka na. Parang kahapon lang, Paul, yung pinto, yung kamay ko. Paul. Paki-bukas yung pinto. Naipit na kamay mo nun sa pinto ng taxi diba? Haha chill kung chill.

Lesson of the day: Kuya, ate, tumingin kasi sa likuran. Sayang o. Nasa likod niyo lang mga hinahanap-hanap ni'yo e. Puro kasi lingon sa kanan si kuya. Si 'te naman kaliwa. Tsk.

O well. Gusto ko lang ikwento.

1 comment: